No. 9 most wanted person ng Muntinlupa PNP para sa 4th quarter ngayong taon, arestado na

41

Mahinahong sumama si Jessie Estadillo Bello sa mga otoridad matapos ihain sa kanya ang warrant of arrest sa kasong Attempted Homicide.

Si Bello, 28-anyos, ay ang pang-siyam na most wanted person ng Muntinlupa City Police para sa 4th quarter ng 2020.

Inaresto ang suspek sa bahay nito sa Purok 1, Marquez Compound, Brgy. Putatan, Muntinlupa City pasado alas-11:30 ng gabi noong lunes.

Si Judge Nelvin Asi ng Metropolitan Trial Court Branch 114 ng lungsod ang nagbaba ng warrant of arrest laban sa suspek.

Nakakulong na ang suspek sa Muntinlupa City Police Station Custodial facility habang hinihintay pa ang commitment order ng korte.

Facebook Comments