Kalibo, Aklan — Hindi na kailangan ang RT-PCR test para sa mga turistang bibisita sa isla ng Boracay simula sa susunod na Linggo.
Ayon kay Aklan Governor Florencio Miraflores, simula sa Nobyembre 16, hindi na i-required ang swab test sa lath ng mga turista dahil naabot na ng isla ang herd immunity.
Dagdag pa ni Miraflores na kailangan lamang ng mga turista na magpakita ng vaccination certificate na pwedeng makuha sa website ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Tatanggapin rin ang vaccination cards galing sa mga local government units pero dapat meron itong QR code.
Kung wala sa dalawang requirements ang mga turista ay pwede rin sila maka kuha ng vaccination certificate sa mga nag-isyu ng LGU para na malaman kung nabakunahan talaga sila.
Inihayag din ni Miraflores na nasa 94% ng mga tourism workers ang fully vaccinated.
94% rin sa general population ang naka- first dose at 70% na ang naka- second dose.
“NO MORE SWAB TEST” sa mga turistang pupunta sa Boracay
Facebook Comments