North Korea – pormal nang pinatawan ng panibagong sanction ng U.N. security council

North Korea – Tuluyan nang pinatawan ng panibagong sanction ng United Nations Security Council ang North Korea.

Ito ay dahil sa dalawang Intercontinental Ballistic Missile Test na inilunsad ng Pyongyang noong Hulyo.

Sa ilalim ng resolusyong isinumite ng United States, ban ang North Korea sa pag-e-export ng mga produkto nito gaya ng coal, iron, iron ore, lead, lead ore at seafood.


Pinagbawalan din ang mga bansa na tumanggap ng mga karagdagang North Korean laborers at pagkakaroon ng Joint Ventures sa Nokor.

Facebook Comments