
Welcome development para kay Akbayan Party-list Representative Chel Diokno ang pag-aresto kay dating Congressman Zaldy Co sa Prague, Czech Republic.
Ayon kay Diokno, ang nangyari kay Co ay paalala na hindi nakakalimot ang taumbayan sa naging epekto ng korapsyon, lalo na sa flood control projects.
Giit ni Diokno, pagbibigay-diin ito na ang batas ay dapat ipatupad sa lahat—kasama ang mga maimpluwensya at may kapangyarihan.
Diin ni Diokno, may pagkakataon na ngayon si Co na magpaliwanag at sagutin ang mga alegasyon tungkol sa 2025 national budget at maanomalyang flood control projects.
Facebook Comments










