Friday, April 17, 2026

Senador, tiwalang magagampanan ni dating AFP Chief of Staff Eduardo Oban ang bagong tungkulin bilang National Security Adviser

Naniniwala si Senate President pro tempore Ping Lacson na qualified si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Eduardo Oban Jr. sa tungkulin bilang National Security Adviser kapalit ng nagbitiw na si Eduardo Año.

Ayon kay Lacson, kayang gampanan at pantayan ni Oban ang performance at responsibilidad sa National Security Adviser (NSA) ni Año.

Sinabi ng senador na kapwa retired 4-star general sina Año at Oban kaya pareho silang kwalipikado sa posisyon bilang National Security Adviser.

Hangad naman ni Lacson ang maayos na pagbabalik ni Año sa pribadong buhay at ang pagbuti ng kalusugan nito.

Matapos ang mahigit tatlong taong panunungkulan sa administrasyong Marcos, nagbitiw si Año bilang National Security Adviser dahil sa isyung pangkalusugan.

Facebook Comments