OCD, nagbigay direktiba sa OCD 5 at CALABARZON na mahigpit na tutukan ang pag-aalburoto ng Bulkang Mayon at Taal

Muling nagsagawa ng preparedness at coordination conference ang Office of Civil Defense (OCD) sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), Department Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Health (DOH).

Ito’y kaugnay sa tumataas na aktibidad ng Bulkang Mayon na ngayon ay nasa Alert Level 3 na at Bulkang Taal na nasa Alert Level 1.

Ayon kay Civil Defense Deputy Administrator for Operations at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Asec. Raffy Alejandro, mahigpit nilang binabantayan ang mga bulkan at ang banta na pwedeng idulot sa publiko.


Naglabas na aniya ang OCD ng bagong memorandum sa OCD Region 5 at CALABARZON para sa heightened monitoring at close coordination sa mga local Disaster Risk Reduction and Management Council at iba pang mga ahensya.

Nakasaad sa memorandum ang pag-review sa preparedness measure ng naturang regional OCD at ihanda ang kanilang mga kagamitan sa posibleng paglilikas.

Sakop din ng order ang paglilikas sa mga residente na maapektuhan kung sakaling lumala pa ang pag-aalburuto ng dalawang bulkan.

Facebook Comments