Binigyang diin ng Office of Civil Defense (OCD) ang kahalagahan ng tamang impormasyon sa panahon ng kalimidad.
Ayon kay OCD Spokesperson Edgar Posadas, ang tamang impormasyon ay magagamit sa tamang aksyon para manatiling ligtas.
Ito’y sa gitna narin nang nararanasang “vog” o polusyon sa hangin na may lamang sulfur dioxide na mula sa Bulkang Taal.
Paliwanag ni Posadas, mas paiigtingin ngayon ng OCD ang kanilang awareness campaign sa social media.
Aniya, ilalagay nila sa mas simpleng termino ang ibig sabihin nito, epekto sa tao at mga dapat gawin kapag naranasan ito.
Maliban dito, sinabi pa ni Posadas na mas dadalasan din nila ang paglalabas ng babala para na rin sa pag-iingat ng publiko.
Facebook Comments