Bagong Pilipinas Serbisyo Fair program ng gobyerno, nakahandang pondohan ng DBM

Handa ang Department of Budget and Management (DBM), na maglaan ng pondo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair program ng pamahalaan.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, kanilang sisiguruhin ang kailangang budgetary support sa mga key programs at projects ng iba’t- ibang ahensiya ng pamahalaan.

Batay na din aniya ito sa utos ng Chief Executive sa kanila na tiyaking mapag-uukulan ng budget ang importanteng proyekto ng gobyerno kabilang na ang inilunsad nitong weekend na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair program.


Ang programang ito ayon kay Pangandaman ay isang krusyal na hakbang sa pagkakamit ng tinatawag na bureaucratic efficiency at mapaunlad pang lalo ang paghahatid ng serbisyo sa mamamayan.

Sabay-sabay na inilunsad ang programa nitong Sabado, Setyembre 23, sa Camarines Sur, Laoag, Ilocos Norte; Tolosa, Leyte at Monkayo, Davao de Oro.

Facebook Comments