Palalakasin muli ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang deployment ng Overseas Filipino workers (OFWs) sa Israel.
Matatandaang binawi ng DOLE ang suspensyon sa pagpapadala ng OFWs sa nasabing bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silveste Bello III, ang Israel ay nangangailangan ng care workers at iba pang service workers lalo na at unti-unting nagbubukas ang ekonomiya.
Nasa 208 caregiver contracts ang ipinadala sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa signing at processing ng dokumento.
Ang hiring ng Pinoy workers sa Israel ay bahagi ng bilateral agreement na nilagdaan ng Pilipinas at Israel noong 2018.
Facebook Comments