OFW sa Dubai, namatay sa cardiac arrest

Image via Facebook/Monica Manuel

Nakatakdang dumating ngayong araw ang labi ng Overseas Filipino Worker (OFW) na namatay sa Dubai, United Arab Emirates noong Setyembre 27.

Binawian ng buhay ang 27-anyos na si Monica Manuel sanhi ng cardiac arrest.

Batay sa ulat ng The Filipino Times, inaasahang lalapag ang eroplanong lulan ang bangkay ni Manuel sa Clark International Airport.


Ayon kay Rita, inakala nilang simpleng lagnat, ubo, at, sipon lamang ang nararamdaman ng anak.

“When we chat nung August, sabi niya, ‘Ma, meron pa rin akong ubo at sipon. Then nilagnat na siya. Umiiyak na ako. Sabi ko, ‘Umuwi ka na para mapatingnan ka namin dito.”

Sagot ng supling sa ina: ‘Oo, Ma, tatapusin ko lang ang kontrata ko hanggang November 11 para makuha ko ang gratuity ko,’.

Nitong Agosto, nagpasyang magpatingin si Monica sa espesyalista dahil tumitindi ang pananakit ng kanang bahagi ng tiyan.

Lumabas sa check-up na mayroon siyang stage 4 liver cancer.

Nagpasalamat naman ang naulilang pamilya ng OFW sa tulong ibinigay ng gobyerno at embahada para maiuwi agad ang katawan ng anak.

Sa ngayon, naghahanap pa sila ng karagdagang pinasyal na gagamitin sa burol at libing nito.

Facebook Comments