Friday, February 13, 2026

Ombudsman, pinaikli ang panahon ng fact-finding investigation sa mga reklamo na isinasampa sa kanilang tanggapan

Pinaikli na ng Office of the Ombudsman ang “period” o panahon ng kanilang fact-finding investigation sa mga reklamo na isinasampa sa kanilang tanggapan.

Batay sa bagong patakaran na nakasaad sa Administrative Order No. 1 series of 2026 o “Revised Rules of Procedure of the Office of the Ombudsman”, mula sa 6-buwan ay ibinaba sa 60 hanggang 90-araw o 2 hanggang 3-buwan na lamang ang period para sa fact-finding probe.

Ang mga simpleng reklamo ay sasailalim sa imbestigasyon ng hindi hihigit sa 60-araw; habang ang mga “complex” na mga kaso ay hindi lalagpas ng 90-araw.

Ang complexity ng mga kaso ay tutukuyin batay sa iba’t ibang factor, gaya ng bilang ng respondents, bilang ng offenses, dami ng mga dokumento, “geographical coverage,” at halaga ng public funds o pera at aria-arian na may kinalaman sa kaso.

Ang investigation period ay mag-uumpisa sa pagtanggap ng imbestigador ng “approved investigation plan,” habang dapat na magtapos naman sa pagsusumite ng investigation report sa direktor.

Facebook Comments