Friday, January 16, 2026

Ombudsman Remulla, nilinaw na may nagpahiwatig at hindi direktang inalok ang ₱1-B kapalit ng pananahimik sa imbestigasyon sa flood control mess

Nilinaw ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hindi direkta sa kaniya inalok ang isang bilyong piso kapalit ng pananahimik sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa flood control.

Iyan ang kaniyang inihayag sa pulong balitaan kahapon.

Ayon kay Remulla, sa kanilang pag-uusap ng kaniyang kapatid na si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, pahiwatig o sabi-sabi lamang ng mga nagpapakilalang kaibigan ang nagsabing may nag-alok sa kanilang magkapatid.

Pinayuhan naman niya ang kapatid na kung may oportunidad ay arestuhin ang sinumang may direktang koneksyon sa taong nanunuhol.

Matatandaang sinubukan umanong suhulan ang magkapatid na Remulla ng aabot sa halos ₱2 bilyon kapalit ng pagtigil sa pagsisiyasat sa mga anomalya sa flood control.

Samantala, nakatakda namang maghain ng panibagong reklamo sa Sandiganbayan ang Office of the Ombudsman laban sa mga sangkot sa flood control mess.

Facebook Comments