Inihayag ng Department of Health (DOH) na may posibilidad na makapasok sa Pilipinas ang Omicron sub-variant o BA.2.2 na nakaapekto ngayon sa Hong Kong.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, bagama’t may posibilidad na makarating ang naturang sub-variant sa bansa, sa ngayon ay wala pang natutuklasan na BA.2.2 sublineage sa samples na na-sequence ng Philippine Genome Center na mahigpit namang binabanatayan ng DOH.
Dagdag pa ni Duque na sa ngayon ay hindi pa niya masasabi kung ang bagong sub-variant ba ay magdudulot ng malubha o seryosong pangyayari tulad ng sitwasyon sa Hong Kong.
Samantala, tiniyak naman ng kalihim sa publiko na mas maganda ang protection level ng bansa dahil sa mataas na vaccination coverage nito kung ikukumpara sa mababang vaccination rate ng Hong Kong.