OPA, MAGSASAGAWA NG PROMISING YOUNG AKLANON AGRIPRENEURS 2023

Kalibo, Aklan – Ang Search for Promising Young Aklanon Agripreneurs 2023, ay isang competitive financial grant assistance activity, para sa mga kabataan na nakikibahagi sa agri-fishery enterprises. Ang naturang kompetisyon ay bukas sa lahat ng mga interesadong kabataan na may proposed agri-fishery enterprises, na may kakayahang kumita. Ang grant ay magsisilbing dagdag na kapital para sa kanilang agri-fishery enterprises, na pinamamahalaan ng isang kabataan, o di kaya ay pinamamahalaan ng isang grupo. Ang aktibidad ay lilikha ng grupo ng mga young agripreneurs, na nakikipag-kumpitensya sa 2023 Young Farmers Challenge Provincial Level Competition, kung saan ito ay sponsored ng Department of Agriculture-Western Visayas. Samantala, ang aktibidad na ito ay magbibigay ng business development services, kung saan kabilang dito ang training at mentoring assistance, market linking at business networking. Sa kabilang banda, maaaring ipasa ang mga entries kay Ms. Juvy Trieste/Ms. Vicky Malumay, sa Office of the Provincial Agriculturist, Annex Building, Capitol Site, Kalibo, Aklan. Mag-uumpisa ang pagpasa ng Documentary Requirements sa February 24, 2023 at ang deadline naman ay sa March 15, 2023.
Facebook Comments