Operasyon laban sa Iligal na Sugal, Sabay-sabay na Isinagawa sa Buong Isabela!

Cauayan City, Isabela – Sabay-sabay na operasyon ng kapulisan sa buong lalawigan ng Isabela ang isinagawa nitong nakaraang linggo base sa direktiba ng mataas na pamunuan ng pulisya.

Sa naging pahayag ni Police Superinterndent Warlito Jagto, Police Community Relation ng PPO Isabela sa RMN Cauayan, aniya ang derektiba umano ay ang pagkakaroon ng lima hanggang sampung operasyon sa bawal na sugal kada araw at ang pagkakaaresto rin ng mga taong sangkot dito.

Nagresulta naman umano ito ng pagkakahuli sa mga indibidwal mula sa bayan ng Jones, Naguilian, Benito Soliven, Delfin Albano, Angadanan, Sta. Maria, San Manuel, Sto. Tomas, Mallig, Gamu at San Mateo.


Nasampahan na ng kasong paglabag sa PD 1602 at RA 9487 ang kabuuang limamput tatlong katao na sangkot sa illigal na sugal.

Samatala lininaw ni PS Jagto na walang jueteng dito sa lalawigan ng Isabela kundi pawang paglalaro ng bawal na sugal sa baraha, drop ball at ang tinatawag na tupada.

Facebook Comments