Operational guidelines para sa pagkontrol at paggamit ng mga paputok at pailaw ngayong holiday season, inilabas na ng PNP

Naglabas na ng operational guidelines ang Philippine National Police (PNP) para sa regulasyon at pagkontrol sa paggamit ng mga paputok at pailaw ngayong holiday season.

Layon nitong matiyak na ligtas ang pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon ng mga pilipino.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, mahigpit nilang ipatutupad ang Executive Order No. 28 na nagsasaad na dapat mayroong trained na indibidwal na magbabantay sa mga community fireworks displays.


Binibigyan din ng kapangyarihan dito ang PNP Chief para tukuyin kung ano ang mga ipinagbabawal na paputok.

Nagbabala naman ang PNP na aarestuhin nila ang mga mahuhuling gumagawa at nagbebenta ng mga iligal na paputok.

Facebook Comments