OPLAN GREYHOUND AT DRUG TESTING NG MGA PDL AT PERSONNEL NG BJMP AKLAN, ISASAGAWA NGAYONG ARAW

Kalibo, Aklan – Magsasagawa ng Oplan Greyhound at Drug Testing sa mga Persons Deprive of Liberty (PDL) at sa Personnel ng BJMP-Aklan ang mga taga Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) Aklan ngayong araw.
Ayon kay District Jail Warden Rolyn Malolos ng BJMP-Aklan, na handa na rin sila at naghihintay na lamang ng kanilang kasamahan at inihahanda na ang mga kinakailangan.
Ang BJMP Aklan ay merong 147 na PDL sa male dorm at 9 naman sa female dorm.
Sa 147 na PDL at sa mga drug cases ay wala namang High Value Target na kasama maliban lamang kay Mark Archie Torrefiel na medyo mabigat ang kaso.
Ang nasabing operation na ito ay regular quarterly basis pero meron pang isinasagawa ang kanilang higher office at meron din sa regional office na mga surprise inspection.
Alinsunod rin aniya ito sa mandato ng bagong appoint na Usec. on Public Safety Mr. Serafin P. Barreto Jr., na gustong linisin ang mga illegal na gawain sa mga district jail hindi lamang sa probinsya ng Aklan kundi sa buong bansa.
Facebook Comments