Ormoc City, isinailalim na rin sa state of calamity dahil sa matinding pinsala ng lindol – klase sa mga paaralan sa lungsod, suspendido hanggang sa mga susunod na araw

Manila, Philippines – Inilagay na sa State of Calamity ang buong Ormoc City dahil sa lawak ng pinsala ng tumamang magnitude 6.5 na lindol sa Leyte noong isang linggo.

Kasunod nito, nagpasya na rin si Ormoc City Mayor Richard Gomez na suspendihin ang klase sa mga paaralan ngayong araw dahil sa sunud-sunod na mga aftershock na naranasan kahapon.

Ayon kay Gomez, mananatiling suspendido ang klase sa mga paaralan hangga’t hindi pa natatapos ang kanilang inspeksyon sa mga paaralan kung saan, nasa mahigit 100 silid-aralan ang lubhang napinsala.


Sa ngayon ay wala pa rin suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Leyte na dahilan para kapusin ng malinis na inuming tubig ang mga residente.

Apektado rin ang trabaho ng National Grid Corporation of the Philippines dahil sa malakas na pag-ulan at mga nararanasang aftershocks sa probinsya.

Facebook Comments