OVP, hindi na dinagdagan ng budget sa Bicam

Hindi na dinagdagan ng Senado at Kamara ang budget ng Office of the Vice President (OVP) sa inaprubahang Bicameral Committee report para sa 2025 national budget.

Ito’y sa kabila ng mga hiling ng ilang senador na dagdagan ng ₱150 million ang alokasyon ng OVP sa susunod na taon.

Ayon kay Senate Committee on Finance Chairperson Grace Poe, kung ano ang naipasa ng Senado at Kamara ay napanatili lamang din ito sa ilalim ng Bicam na aabot sa ₱733 million.


Sinabi pa ng senadora na hindi na humiling ng dagdag na pondo ang OVP hanggang sa sumalang na sa Bicam ang budget.

Dagdag pa ni Poe na kahit hindi tinaasan ang pondo ng OVP sa 2025 ay tiniyak naman nila sa Kongreso na may pagkakataon pa rin naman ang opisina na tumulong sa mga kababayan bilang may mandato rin para rito si Vice President Sara Duterte.

Aniya, mayroong ₱600 million na social services allotment ang OVP na pwedeng ipantulong sa mga lalapit sa tanggapan ng bise.

Facebook Comments