Kalibo, Aklan— Kinumpirma ni Liga ng mga barangay president SB Member Ronald Marte na nagpulong noong nakaraang araw ang lahat ng mga Brgy. Kapitan sa Kalibo para pag-usapan ang tig P1 million na ibibigay na pondo. Ang nasabing pondo ay para sa COVID 19 response kung saan gagamitin ito para sa quarantine facility ng bawat brgy. Ayon kay SB Marte na mahalagang mapag usapan ng mga barangay kapitan kung saan ilalagay ang kanya kanyang facility sa loob ng kanilang barangay dahilan para madaliin na ang paghahanap ng lugar na paglalagyan. Ang mga brgy aniyang walang makitang lote ay pahihintulutang sa brgy. Nalook nalamang maglagay. Dagdag pa nito na nauna nang nagmungkahi ang alkalde na pwedeng gamitin ang dalawang ektaryang lupa sa nasabing brgy kung sakaling walang makitang lote ang ilang brgy kapitan. Nababahala umano ang LGU sa kasalukuyang sitwasyon dahil dumarami ang nagsisiuwiang LSI at OFW sa bayan. Mahalaga aniya ang karagdagang mga pasilidad dahil kung home quarantine lamang ay may posibilidad na makahawa pa ang mga ito sa kanilang pamilya. Sa kabilang dako bukas rin ang konsehal sa proposisyong baguhin ang ilang protocol sa LSI at ROF para mas mapababa ang posibilidad ng local transmission.
P 1 Million na pondo bawat barangay, pinag-usapan na ng liga
Facebook Comments