Pormal nang inihain sa Senado ni Senator Alan Peter Cayetano ang panukalang Sampung Libong Pag-Asa Law o ang P10,000 one-time cash aid para sa bawat pamilyang Pilipino.
Ayon kay Cayetano, ang COVID-19 ay patuloy na nakakaapekto sa bansa kaya dapat magsikap ang estado na tulungan ang lahat ng Pilipino at ang ekonomiya.
Sa ilalim ng Sampung Libong Pag-Asa Law, magiging iba ito sa mga Social Amelioration Programs (SPA) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngunit ang kagawaran pa rin ang mangangasiwa nito.
Magiging prayoridad ng panukalang batas na ito ang mga sumusunod:
– Senior Citizens
– Persons with Disabilities
– Solo parents
– Mga nawalan ng trabaho o mga manggagawang naapektuhan ng pandemya
– Freelancers gaya ng entertainers, tour guides, mga manggagawa sa events industry, therapists at iba pa
– Drivers ng pedicab, tricycle, PUJs, PUVs, taxi, bus at iba pa.
– May-ari at manggagawa sa microenterprises
– Magsasaka
– Family drivers at kasambahay
– Sub-minimum wage earners
– Medical frontliners kasama na ang Barangay Health Workers
– Overseas Filipino Workers
– Mga hindi pa nakakatanggap ng SAP
– At iba pang nasa vulnerable sectors