P2 billion na halaga ng bigas, binhi at fertilizer para sa mga magsasaka sa Region 2, inihahanda na ng DA

Nasa ₱2 billion na halaga ng bigas, binhi at pataba o fertilizer ang handa nang ibigay ng pamahalaan sa Cagayan Valley kasunod ng pananalasa ng mga nagdaang bagyo.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nais nilang matulungan agad ang mga magsasaka sa rehiyon na makabangon agad mula sa pinsalang iniwan ng mga bagyo.

Ang Cagayan ay makakatanggap ng ₱846 million na halaga ng agricultural support habang ₱986 million ang matatanggap ng Isabela.


Nasa ₱148 million na halaga ng agriculture support para sa Nueva Vizcaya at ₱96 million para sa Quirino.

Kabilang sa mga ayudang ibibigay ay hybrid rice seeds, fertilizers, hybrid corn seeds, assorted vegetable seeds, poultry, kambing, at pato.

Nasa ₱41 million na halaga ng rice donations ang ibibigay sa Cagayan at Isabela.

Sa ngayon, aabot na sa ₱2 billion ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Pepito, Quinta, Rolly at Ulysses sa Cagayan Valley.

Facebook Comments