P94-M na halaga ng illegal lead acid batteries, nadiskubre ng DTI sa isang warehouse sa Barangay Manresa, QC

Aabot sa P93,696,385 ang halaga ng lead-acid batteries ang nasamsam ng pinagsanib na pwersa ng Department of Trade and Industry-Task Force Kalasag at National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City at Manila City.

Sa isinagawang pagsalakay sa isang warehouse sa Sgt. Rivera, Barangay Manresa, nasamsam ng DTI at NBI ang kabuuang 20,195 na piraso ng lead acid batteries na walang PS mark at ICC stickers.

Habang 614 na piraso naman ang nakumpiska sa Binondo manila at dalawa katao ang naaresto.


Higit na P200- M na ang pinagsamang halaga ng nakumpiskang lead-acid batteries mula sa nangyaring operasyon sa Davao, Manila at QC.

Inirerekomenda na ng DTI sa QC-LGU na ipasara ang naturang warehouse.

Facebook Comments