PAALALA | Ilang lugar sa Las Piñas at Muntinlupa, mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw

22

Manila, Philippines – Pansamantalang mawawalan ng supply ng tubig ang ilang mga lugar sa lungsod ng Las Piñas at Muntinlupa ngayong araw.

Nagsimula ang water interruption kaninang alas-singko ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Kabilang sa mga mawawalan ng supply ng tubig sa Las Piñas ay ang Barangay Almansa Uno, Almanza Dos, BF Cruz Subdivision at BF Almanza, Pamplona Uno, Pamplona Dos at Pamplona Tres.

Gayundin ang Pilar, Pulang Lupa Dos, Talon Dos, Talon Tres hanggang Talon Singko.

Sa Muntinlupa naman ay kabilang ang Barangay Alabang, Ayala Alabang, Cupang at Sucat.

Ayon sa Maynilad ito ay dahil umano sa problema sa water quality na nagmumula sa laguna lake papasok sa Putatan water treatment plant.

Facebook Comments