PAALALA | Pagbigat ng trapiko sa ilang kalsada sa Metro Manila, asahan ngayong Semana Santa – PNP-HPG

Manila, Philippines – Nagbabala ang Philippine National Police – Highway
Patrol Group (PNP-HPG) ng inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa ilang
pangunahing lansangan sa Metro Manila lalo’t nalalapit na ang Semana Santa.

Ayon kay PNP-HPG Spokesperson, S/Insp. Carol Jabagat – magtatalaga sila ng
1,500 tauhan para manduhan ang trapiko lalo na sa EDSA.

Hiningi na rin ng PNP ang tulong mula sa higit 1,500 Grab drivers at
motorcycle riders sa Metro Manila bilang road safety marshalls.


Ang mga Road Safety marshalls ay inaatasang mag-report sa PNP-HPG kung may
mamataang untoward incidents.

Pinaalala rin ng PNP sa mga motorista ang salitang ‘BLOWBAGETS’ na ibig
sabihin ay i-check ang Brake, Lights, Oil, Water, Battery, Air, Gas,
Engine, Tire at Self.

<#m_1332818690014123721_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments