Padre de pamilya, 3 anak nito patay sa Sunog sa Sultan Kudarat Maguindanao

Wala ng buhay ng matagpuan ang 4 na myembro ng pamilya matapos masunog pasado alas dos kaninang madaling araw sa Brgy. Katuli Sultan Kudarat Maguindanao.

Kinilala ang mga nasawi na sina Damus Araneta 42, mangingisda, at mga anak nitong sina Mojaheed 8 anyos, Divina 6 anyos, at Bonjie 4anyos.

Sinasabing hindi na nagawang mailigtas ang mga biktima matapos makulong habang lumiliyab ang kanilang bahay.
Limang bahay na gawa sa light materials pa ang nadamay sa insidente.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa naging dahilan ng pangyayari ayon pa sa BFP ARMM Spokesperson FSIns Ronald Ampang.
Napag-alaman na nasa abroad ang maybahay at ina ng mga biktima.
Agad na ring nagbigay ng ayuda ang LGU Sultan Kudarat .


Pic:Damon Lauban

Facebook Comments