Thursday, April 16, 2026

Grupo ng mga maralita, pang-apat na araw nang kumakampo sa tapat ng DSWD Central Office

Pang-apat na araw nang kumakampo sa tapat ng DSWD Central Office ang grupo ng mga maralita mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Binubuo ang grupo ng KADAMAY, urban communities, Pinagkaisang Lakas ng Mamamayan, at iba pang sektor ng maralita.

Ayon sa kanila, hindi sila nagsasagawa ng kilos-protesta kundi nagkakampo lamang upang ipakita na hindi na mahihirapan ang departamento sa paghahatid ng tulong pinansyal dahil sila na mismo ang lumapit sa tanggapan ng DSWD sa Batasan Pambansa Complex sa Batasan Road, Quezon City.

Ipinunto ng grupo na ang kanilang ipinaglalaban ay ang tulong pinansyal na ipinangako sa kanila matapos silang mabiktima ng kalamidad noong nakaraang taon, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natatanggap.

Dagdag pa nila, nais lamang nila ng maayos na dayalogo at konkretong plano mula sa departamento, lalo na’t ilang beses na anila silang dumulog dito ngunit iba-iba ang kinakausap sa kanila.

Sa ngayon, posible pang magpatuloy ang kanilang pagkakampo hanggang May 1 kung hindi sila haharapin ng kalihim ng DSWD.

Facebook Comments