
May alok na libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT-3) para sa mga solo parent mula April 15 hanggang 18, 2026 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Solo Parents Week.
Batay sa advisory ng pamunuan ng MRT-3 , ang inisyatibong ito ay alinsunod sa Republic Act No. 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act, na layong kilalanin at suportahan ang mahalagang papel ng mga solo parent sa ating lipunan.
Ang oras ng Libreng Sakay ay mula 7:00 AM – 9:00 AM; at mula 5:00 PM – 7:00 PM.
Upang makapag-avail ng Libreng Sakay , kinakailangan lang ipakita ng mga pasahero ang kanilang valid Solo Parent ID sa alinmang MRT-3 station.
Facebook Comments










