Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na tumutulong na rin ang rescuers ng Philippine Air Force (PAF) sa paghahanap sa nawawalang RP-C1234 aircraft sa Isabela.
Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, kahapon lumipad ang rescue aircraft ng PAF subalit bumalik ito dahil zero visibility sa lugar.
Inihayag ni Apolonio na ang masamang panahon sa lugar ang nakakahadlang sa search and rescue operations.
Sa ngayon, hindi pa rin aniya nila matukoy ang sighting ng posibleng pinagbagsakan ng eroplano dahil sa masamang panahon sa Isabela.
Ang nawawalang eroplano ay may sakay na isang piloto at isang pasahero.
Facebook Comments