Monday, September 28, 2026

Pag-alis sa system loss charges, hindi dapat bawiin sa ibang singil sa kuryente

Iginiit ni Senator Erwin Tulfo na bawal bawiin sa ibang singil ang pag-alis sa system loss charges sa bill ng kuryente.

Ang reaksyon ng senador ay kaugnay na rin sa pagkabahala ng mga konsyumer na kapag inalis ang singil sa system loss ay bawiin naman ito sa ibang singil sa kuryente.

Sinabi ni Tulfo na malinaw sa Senate Bill 2486 o ang “Systems Loss Charge Removal Act” na bawal ma-recover o bawiin ng mga distribution facilities at electric cooperatives ang allowed losses sa pamamagitan ng distribution wheeling charges, supply charges, metering charges, universal charges, subsidies, o kahit na anong bahagi ng bill.

Punto pa ng senador na talong-talo ang mga consumers sa ganitong sistema dahil sila ang sumasalo sa gastos at mga konsyumer rin ang gagastos sa hindi kagandahang serbisyo.

Dahil dito, ipinanawagan ni Sen. Erwin sa mga kapwa senador ang mabilis na pagapruba ng panukala para tuluyang maisabatas at tuluyang matuldukan na ang pagpapasa ng system loss charges sa mga consumers.

Facebook Comments