
Hinamon ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga tauhan nito na makamit ang perpektong antas ng kahusayan sa pagtugon sa mga tawag sa Unified 911 Hotline.
Ang hamon na ito ay kasunod ng naitalang 96.15% efficiency rate ng sistema simula nitong January hanggang August 2026.
Ayon kay Nartatez, maganda na ang nasabing nakuhang rate ngunit ang goal dapat ng PNP ay 100% efficiency dahil ang pagtugon sa bawat tawag ay nararapat na mabilis, maasahan, at isang life-saving response mula sa pulisya.
Dahil dito, kabilang sa mga prayoridad sa paggamit ng budget ng PNP para sa 2027 ay ang pagiinvest sa mga kagamitan at iba pang resources para sa mas mabilis at angkop na pagtugon sa mga emergency.
Facebook Comments










