Pag-disqualify sa party-list groups na may kaugnayan sa mga rebelde at teroristang grupo, itinutulak sa Senado

Isinusulong ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang pagdiskwalipika sa party-list groups na may kaugnayan sa anumang rebelde at teroristang grupo.

Sa Senate Bill 201 ni Dela Rosa, pinapadiskwalipika sa Commission on Elections (COMELEC) ang mga party-list na direkta at hindi direktang lumalahok sa mga gawain na nagsusulong ng pagbagsak o paghina ng kapangyarihan ng gobyerno.

Ipinapa-disqualify rin ang mga party-list group na sa anumang paraan ay may kaugnayan sa mga rebeldeng grupo o grupo na itinuturing na terorista alinsunod naman sa umiiral na Anti-Terrorism Law.


Gayundin ang mga grupo na nag-uudyok sa mga kabataan at mga disadvantaged sector na gumawa ng karahasan at mga labag sa batas.

Tinukoy ni Dela Rosa na sa mga nakalipas na taon ay inabuso at sinamantala sa nakalipas na taon ang party-list system na ang layunin sana ay palawakin ang representasyon ng taumbayan sa Kongreso.

Nakapasok aniya sa Kamara ang party-list groups na nagsusulong ng rebolusyon, karahasan at pagkakahati-hati ng taumbayan.

Facebook Comments