PAG ISSUE NG ACCEPTANCE PINALILIMITAHAN NG LGU KALIBO, MGA UUWING LSI AT ROF SILA NA MUNA ANG MAGBABAYAD NG KANILANG SARILING QUARANTINE FACILITY

Kalibo, Aklan- Nagpalabas ng Advisory si Kalibo Mayor Emerson Lachica ukol sa paglilimita ng pag issue ng certificate of Coordination sa mga uuwing Locally Stranded Individual at Returning Overseas Filipino sa bayan. Dahil ito sa nakakaalarmang pagtaas ng kaso ng Covid 19 sa Kalibo, na kung saan umabot na sa 67 ang mga active cases sa bayan as of December 1, 2020 kaya ipapatupad ang strict implementation ng facility based quarantine. Napag alamang puno na rin ang dalawang Ligtas Covid Center ng LGU dahil sa mga nakafacility quarantine na mga assymptomatic at mild cases ng Covid 19 at karamihan dito ay mula sa Purok 1 C. Laserna St. na kumakailan lang ay isinailalim sa mass testing ang mga residente roon. Dahil sa hindi na makayanan pang maaccomodate ng LGU ang mga nagsisiuwiang LSI at ROF ay palilimitahan nito ang pag issue ng Notice of Coordination (NOC) o LGU Acceptance. Samantala maaari namang ang mga LSI at ROF nalang ang maghanap ng kanilang sariling quarantine facility tulad ng Apartment, guesthouse/inn/hostel, condotel, hotel at unoccupied o bakanteng bahay. Kailangang magpakita ang mga ito ng proof of accomodation mula sa may ari o booking sa mga naturang establishments na naaprubahan ng Department of Health (DOH) at Municipal Health Office (MHO). Ang mga indibidwal na nabigyan na ng Notice of Coordination bago ang December 1, 2020 ay hindi apektado ng nasabing advisory na epektibo mula December 2, 2020.

Facebook Comments