PAG-IWAS SA PRANK CALLING, MULING IGINIIT

Patuloy na pinalalakas sa lalawigan ng Pangasinan ang pagresponde sa anumang mga insidente o emergencies.

Isa rito ay sa pamamagitan ng pagtawag sa Pangasinan 911.

Nagpaalala naman ang Pangasinan PDRRMO ng ilang gabay sa pagtawag sa hotline tulad ng pagsabi agad ng lokasyon, pagpapaliwanag ng sitwasyon o insidente, pagsunod sa mga tagubilin at pagsagot sa mga katanungan ng responder.

Ito ay upang maging malinaw nang mas mapabilis ang pagbibigay ng tulong.

Muli ring iginiit ng pamunuan ang pag-iwas sa prank-calling, dahilan ang posibleng pagkaantala sa pagresponde ng awtoridad sa mga tunay na nangangailangan ng tulong.

Samantala, nakatakdang ilunsad ng Department of Interior and Local Government ang Unified 911 sa darating na September 11 kung saan dito na lang itatawag ang lahat ng mga sitwasyon o pagkakataong nangangailangan ng pagresponde. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments