Hiniling ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na pagkatiwalaan ang ginawang pag-veto ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa ilang probisyon ng 2023 national budget.
Tatlong probisyon ng 2023 budget ang vineto ng pangulo kabilang ang provision na may kinalaman sa Department of Labor and Employment (DOLE) – NLRC, Department of Education (DepEd) TV at Rebranding Program ng Department of Tourism (DOT).
Aminado ang Senate leadership na bahagi ng kapangyarihan ng pangulo ang pag-veto sa ilang provisions ng General Appropriations Act (GAA).
Sinabi ni Villanueva na sa pagkakataong ito, kailangan nilang magtiwala at respetuhin ang desisyon ni Pangulong Marcos.
Ang trabaho nila ngayon ay ipagpatuloy ang kanilang pagbabantay sa pamamagitan ng kanilang Oversight Powers.
Para sa senador, mahalagang matiyak na ang mga inilaan na pondo ay tama at epektibo ang paggamit nito.