Napanatili ng Bagyong Paeng ang lakas habang papalabas ng bansa.
Sa pinakahuling weather forecast ng PAGASA-DOST, ang bagyo ay huling namataan sa layong 320 kilometro kanluran, hilagang kanluran ng Iba, Zambales.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na nasa 105 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo pakanluran, hilagang kanluran sa bilis na sampung kilometro kada oras.
Samantala, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
• Ilocos Norte,
• Ilocos Sur,
• La Union,
• Pangasinan,
• Apayao,
• Kalinga,
• Abra,
• Mountain Province,
• Ifugao,
• Benguet,
• Nueva Vizcaya,
• Western portion ng Cagayan
• Western portion ng Isabela
• Northwestern portion ng Quirino
• Northern, western, at southern portions ng Nueva Ecija
• Pampanga,
• Bataan,
• Tarlac,
• Zambales,
• At western portion ng Bulacan
Ayon sa PAGASA, asahan pa rin ang mga katamtaman hanggang sa minsang malalakas na pag-ulan na may kasamang bugso ng hangin sa mga lugar sa hilagang Luzon partikular na ang Ilocos Region, Bataan at Zambales.