Kamara, nakalikom na ng P35-M na tulong para sa mga biktima ng Bagyong Paeng

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, umaabot na sa ₱35 million ang nalikom ng Mababang Kapulungan na halaga ng donasyon at pangakong tulong mula sa mga kongresista at ilang pribadong indibidwal para sa mga biktima ng Bagyong Paeng.

Ang relief operations drive ng Kamara ay inanunsiyo noong Sabado ng gabi sa mga social media platforms ni Romualdez at kahapon o Linggo ng madaling araw ay nasa ₱35 million na ito.

Tuloy-tuloy rin ang koordinasyon ng Kamara sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Office of Civil Defense (OCD), Department of National Defense (DND) at iba pang kinauukulang ahensya para maiparating ang tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng.


Nagsagawa rin ang opisina ni Romualdez ng round the clock meetings sa mga concerned government agency at mga opisyal ng pamahalaan para matiyak ang maayos at organisadong pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Facebook Comments