Pagbaba ng bilang ng mga drug users sa Rehiyon 2, Ikinatuwa ng TRC!

Cauayan City, Isabela – Ikinagalak ni Ginoong Floro Orata ng Treatment Rehabilitation Center (TRC) Brgy. San Antonio, City of Ilagan, Isabela ang pagbaba ng bilang ng mga drug users sa rehiyon dos.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ginoong Orata sinabi nito na nabawasan ang mga gumagamit ng droga dahil nakulong ang dating gumagamit at ang ilan ay narehab na rin.

Ayon kay Orata, nasa mahigit isang daan ang bilang ng namamalagi sa TRC at marami na rin anya ang nakapagtapos ng CBRP at nagbalik na sa komunidad.


Ilan anya sa mga dahilan ng pasyente na nasa rehab center ay nadala lamang sa pakikisama sa ibang tao at gusto na rin magbagong buhay.

Kaugnay nito, nasa sampung libong piso kada buwan ang badyet ng bawat isang pasyente sa rehab center maliban na lamang kung kabilang ito sa indigent family.

Kapag anya indigent, makikipag-ugnayan lamang ang nasabing tanggapan sa LGU kung saan manggagaling ang pasyente hinggil sa mga babayarin.

Samantala, nagbigay ng tulong pinansyal si Governor Bojie Dy III sa opisina ng TRC sa halagang isang milyon para sa karagdagang badyet ng mga pasyente.

Nanawagan naman si Orata sa taumbayan na dalhin lamang sa kanilang tanggapan ang miyembro ng pamilya na pinaghihinalaang gumagamit ng droga upang matulungan ang mga ito na magbago.

Facebook Comments