Pagbaba ng bilang ng nanganganak at nagpapakasal sa bansa, posibleng magtuloy-tuloy pa

Asahan na ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga nagpapakasal at nanganganak ngayon taon.

Ito ang inihayag ni Commission on Population and Development (POPCOM) Usec. for Population and Development Juan Antonio Perez kasunod ng naitalang 1.5 million na bilang ng mga nanganganak noong 2020 na siyang pinakamababa sa loob ng 34-taon.

Habang nasa 240 couples naman ang nagpakasal noong 2020, halos kalahati ang ibinaba noong 2019.


Ayon kay Perez, malaking nakaapekto dito ay ang pangamba ng publiko ng COVID-19 pandemic kung saan mas marami ang nag-family planning at ayaw magpakasal.

Sa kabila ng pagbabang ito, patuloy pa ring isinusulong ng POPCOM ang family planning lalo na’t matatagalan pa bago maka-recovery aniya ang ating ekonomiya.

Facebook Comments