Pagbabantay sa mga bangko, money remittance centers at pawnshops, mas paiigitingin kontra tunnel rats gang

Manila, Philippines – Iniutos na ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa lahat ng PNP regional directors ang mas maigting na pagbabantay sa mga bangko, money remittance centers at pawnshops upang hindi maging biktima ng tunnel rats gang o acetylene gang ngayong undas.

Ayon kay PNP Chief Police Director Ronald Dela Rosa na maliban sa pagtutok sa mga nasabing establishments inatasan na rin nya ang mga Regional directors na makipag-uganayan sa mga security personnel ng mga establishments na ito.

Panawagan pa ni PNP Chief sa mga may ari ng mga nasabing establishments na habang sarado ang kanilang gusali ngayong undas doblehin ang kanilang ipinatutupad na seguridad at makipag-ugnayan rin sa pulisya.


Maliban sa mga bangko, money remittance centers at pawnshops babatayan din ng pulisya ang mga treasurer’s office ng mga Municipal, City Governments at Local Government Units laban sa actylene gang.

Samantala, hanggang ngayon ay walang namommonitor ang PNP na banta mula sa anumang threat groups, tiniyak ni Dela Rosa na hindi sila nagpapabaya sa pagbibigay seguridad para matiyak na magiging mapayapa ang paggunita ng undas.

Facebook Comments