Simula bukas, bawal na ang mga plastic bag at single-use plastic sa lungsod ng Quezon.
Ngayong araw, isinagawa ang ceremonial kick-off ng plastic bag ban sa limang palengke na pinangunahan mismo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Naglibot ang alkalde at namahagi ng mga bayong at eco bags sa mga mamimili sa Suki Market, New A. Bonifacio Market, Frisco Market, Kamuning at JC Store.
Matatandaan na ipinatupad na noong January 2020 ang ordinansa na nagbabawal sa paggamit ng plastic bag pero pansamantala itong itinigil noong May 2020 dahil sa inilabas na localized guidelines para sa Modified Enhanced Community Quarantine at mga sunod pang bersyon nito.
Paliwanag ng alkalde, kasama sa pinagbabawalang gumamit nito ang lahat ng shopping malls, supermarkets, fast food chains, drug stores at mga retailer.
Paki-usap ni Mayor Belmonte sa mga mamimili na magdala ng sariling reusable bags kapag mamimili.