Kalibo, Aklan – Aprubado na ng Sangguniang Bayan ng Malay, sa lalawigan ng Aklan ang ordinansang nagsasabing ipinagbabawal na ang pagbibilad ng damit panloob, sapin sa higaan, tuwalya at damit sa bakod at sampayan malapit sa kalsada at highways. Saklaw ng nasabing ordinansa ang 3 barangay sa isla ng Boracay ang Yapak, Manoc-manoc at Balabag at ang 14 na barangay sa mainland ng bayan ng Malay. Ayon kay Sangguniang Bayan member May Lynn Aguirre Graf naging ugali na ng mga mamamayan dito ang pagbibilad ng kanilang bagong labang damit kung saan-saan lang pati na sa gilid ng kalsada kung saan ito ay nagiging hindi na magandang tingnan. Ang pakay ng nasabing ordinansa ayon kay SB member Graf ay gusto lang nilang malagay sa tamang lugar ang pagpapatuyo ng damit, itaguyod ang kalinisan at marangal na mukha ng Malay at Boracay lalo na’t ito ang sentro ng turismo ng lalawigan. May babayaran aniyang P2,500 na multa ang sino mang lalabag sa nasabing ordinansa.
PAGBIBILAD NG DAMIT SA BORACAY BAWAL NA, ANG MAHUHULI PAGBABAYARIN NG MULTA
Facebook Comments