Kalibo, Aklan – Maliban sa COVID-19 na pinaghahandaan ng LGU-Kalibo ay pinaghahandaan na rin nila ang banta at pagkalat ng tigdas, pagdami ng kaso ng rubella o tigdas sa hangin (German Measles) at ang polio.
Dahil dito, ang LGU-Kalibo sa pangunguna ni Mayor Emerson Lachica at Municipal Health Office ay nagtakda ng petsa at araw para sa pagbigay ng bakuna sa mga bata sa bawat barangay para na maiwasan ang pagdami at pagkalat ng mga nasabing sakit.
Bibigyan nila ng Oral Polio Vaccine (OPV) ang mga batang wala pang limang taon ang edad habang bibigyan naman ng dagdag na dose laban sa tigdas o measles-rubella ang batang may edad mula siyam na buwan at di pa umabot ng limang taon.
Itinakda nila ang pagbibigay ng bakuna simula Pebrero 1 hanggang 28, 2021 kung saan ang mga staff ng Municipal Health Office (MHO) ang pupunta sa mga barangay sa itinakda nilang petsa at araw para sa pagbakuna.
Maari namang makipag ugnayan sa kanilang Barangay Health Workers (BHWs) o sa kanilang Barangay para sa dagdag na impormasyon.
Muling ipinaalala ng LGU-Kalibo sa kumunidad ng bawat barangay na sundin ang tamang health protocols sa nasabing aktibidad.
Pagbigay ngbakuna sa mga bata laban sa tigdas o measles rubella at oral polio vaccineitinakda ng LGU-Kalibo sa Pebrero 1 hanggang 28, 2021
Facebook Comments