Pagbiyahe sa mga election returns, malaking hamon sa militar

Inamin ngayon ng militar na malaking hamon sa kanila ang pagbiyahe ng mga election returns papunta sa mga canvassing venue.

Ayon kay Major General Cirilito Sobejana, commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army – kahit naging mapayapa sa kabuuan ang ginanap na plebesito kahapon, nananatili pa rin ang banta sa seguridad dahil sa patuloy na girian ng mga taga-suporta at tutol sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ito ay base na rin aniya sa inisyal na assessment ng Armed Forces of the Philippines (AFP).


Kasabay nito, tiniyak ni Sobejana na mananatiling nakaalerto ang pwersa ng militar at pulisya hanggang matapos ang gaganaping plebesito sa February 6.

Facebook Comments