Pagdadala ng mga paputok at pailaw sa mga barko, mahigpit na ipinagbabawal ng PCG

Pinaalalahanan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga babiyahe ngayong holiday season, na mahigpit na ipinagbabawal ang lahat ng klase ng paputok at pailaw sa mga barko.

Ito ay sa gitna ng pagsasailalim ng coast guard sa heightened alert simula sa Huwebes, December 15.

Paalala ni PCG Commandant CG Admiral Artemio Abu sa mga biyahero, huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal na kagamitan upang hindi maaantala ang biyahe.


Kabilang din dito ang mga armas, matatalas na bagay, explosive devices, at mga mapanganib na kemikal.

Nagbabala rin ang coast guard sa mga kolorum na sasakyang pandagat na mabigat ang parusang kahaharapin ng mga operator nito kung magsasakay ng mga pasahero.

Facebook Comments