Pagdalo ni Chief Justice Sereno sa imbitasyon ng Kamara sa impeachment hearing, pinag-aaralan pa

Manila, Philippines – Pinag-aaralan pa ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno kung dadalo ito sa imbitasyon ng Kamara para sa impeachment hearing sa susunod na lingo.

Ayon kay Atty. Josa Deinla, tagapagsalita ni Sereno,pinag-uusapan pa ng legal team kung dadalo sa impeachment hearing ang chief justice.

Maglalabas na lamang aniya sila ng anunsyo kapag may desisyon na ang grupo.


Nanindigan naman ang mga abogado ni Sereno na walang basehan ang impeachment complaint laban sa punong-mahistrado.

Sa darating na Miyerkules, November 22 ang imbitasyon ng House Committee on Justice.

Facebook Comments