Pagdalo sa mga interview, forum at debate ng mga tumatakbo sa pagka-pangulo, sukatan ng mga botante sa pagkilatis ng karapatdapat na kandidato!

Nananakaw sa mga botante ang kanilang karapatang kilatisin ang isang tumatakbong kandidato kapag hindi ito dumalo sa mga interview, forum at debate.

Sa panayam ng RMN News Nationwide, binigyang-diin ni dating LPGMA Partylist Representative at Partido Reporma Spokesperson Arnel Ty na ang taong bayan ang ating mga boss at karapatan nila na masagot ang mga tanong kaugnay sa usapin sa bayan lalo na’t malaki ang magiging epekto nito sa anim na taong pagseserbisyo ng isang pangulo.

Giit ni Ty, bagama’t iginagalang nila na may mga kandidatong naduduwag, dapat pa rin aniyang dumalo sa mga interview, forum o debate ang mga presidential aspirant na tumatakbo sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.


Sinabi ni Ty na bilang standard bearer ng Partido Reporma, pinaghahandaang mabuti ni Presidential Candidate Panfilo “Ping” Lacson ang mga debate na kanyang sukatan para maibigay sa mga botante ang karapatan na makilatis ang karapatdapat na pangulo.

Makailang beses nang hindi dumalo sa presidential forum si Bongbong Marcos dahil umano sa conflict sa kanyang schedule.

Facebook Comments