National Vaccination Day part 3, aarangkada sa susunod na linggo

Nakakasa na ang panibagong Bayanihan Bakunan part 3 ng pamahalaan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na ilulunsad ito sa darating na February 10 hanggang 11, 2022 o sa Huwebes at Biyernes ng susunod na linggo.

Ayon pa kay Cabotaje, gagawin ito sa buong bansa para mahikayat ang mga hindi pa bakunado na magpabakuna na, gayundin ang mga due na 2nd dose at sa booster shots.


Sa ngayon, nananatili kasing mababa ang vaccination rate sa A2 at A3 sector na nasa 60% pa lamang.

Prayoridad dito ang senior citizens at may comorbidities lalo na sila ang mga itinuturing na vulnerable population.

Facebook Comments