Paggamit ng magkaibang brand ng COVID-19 vaccines sa isang pasyente, hindi inirerekomenda ng Department of Health

Wala pang rekomendasyon ang mga eksperto kung pwedeng gamitin ang magkaibang brand ng COVID-19 vaccines sa isang babakunahan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang sapat na ebidensiya kung ano ang magiging resulta kapag magkaiba ang ginamit sa first at second dose ng bakuna.

Paliwanag pa ni Vergeire, inirerekomenda pa rin ng mga eksperto na magkatulad na brand ng bakuna ang iturok sa indibidwal.


Una kasi rito ay sinabi ni Dr. Nina Gloriani, pinuno ng Vaccine Expert Panel na posibleng ikonsidera nila ito sa gitna ng kakulangan ng supply ng bakuna sa bansa.

Facebook Comments