
Ihihinto ang paghahanap sa mga nawawalang sabungero na sinasabing itinapon sa Taal Lake sakaling lumala ang sitwasyon ng Bulkang Taal.
Ito ang sinabi ng Department of Justice (DOJ) matapos makapagtala ng mahinang pagsabog kanina sa main crater ng bulkan kaninang alas-tres ng hapon.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ititigil ang search and retrieval operation kapag may banta ng panganib.
Samantala, kinumpirma rin ng Justice Department ang nadiskubre ngayong araw na dalawang sako na naglalaman ng buto ng tao.
Sa mga butong nadiskubre naman kahapon, kinumpirma ni Remulla na posibleng may kinalaman din ang tatlong bangkay na hinukay sa mga nawawalang sabungero.
Facebook Comments









